Posts

Landas ng Kalayaan(Tula)

Landas ng Kalayaan ni Charmelle F. Bartolome Gr.10-Special Class I Bilang kabataan importante ang kalayaan Sapagkat tayong lahat ay may kaisipan Ngunit ngayong makabagong panahon ano nga ba ang tunay na nararamdaman? Pinagkait ang kalayaan o ito’y naabusong tuluyan. II Pagkawala ng kalayaan ay maituturing na kamatayan Dahil lubos na pighati at kalungkutan ang iyong mararanasan Hindi nga ba’t likas sa aming mga kabataan ang maging mapusok minsan Ito’y dahil kami’y naghahanap ng kaligayahan na dulot ay galak sa aming puso’t isipan. III Datapwat batid ang limitasyon sa lahat ng bagay Kaya naman sa tuwina’y magulang ay nakaagapay Upang sa tamang landas ay hindi mawalay At masigurong kami’y nasa kabutihan na siyang sa tuwina’y dapat mangibabaw ng taglay. IV Hindi nga ba’t wala namang perpektong tao sa mundo Ngunit hindi ibig sabihin tayo’y hindi na magpapakatao  Nariyan ang mga mahal sa buhay na tunay na mga eksperto Upang mahingan natin ng mga gabay at payo. V Ating isapuso maging sa i...